21 opisyal ng Philhealth kinasuhan sa DOJ
MANILA, Philippines — Kaugnay ng maanomalyang claims sa dialysis ng mga pasyente ng WellMed Dialysis ay kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice ang 21 opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sinabi ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman na mga kasong paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at paglabag sa R.A. 10606 o “National Health Insurance Act of 2013; at R.A. 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” ang isinampa nilang kaso laban sa mga opisyal ng PhilHealth.
Nag-ugat ang kaso sa maanomalyang mga claims para sa pagbabayad ng mga dialysis at iba pang medical treatment ng mga miyembro at benepisyaryo ng PhilHealth.
Kabilang sa 21 na kinasuhan ay mga opisyal ng Accreditation Sub Committee from PhilHealth Regional Office-National Capital Region (PRO-NCR).
Kasama sa kinasuhan ang Branch Manager ng Philhealth na si Dr. Lolita V. Tuliao.
Si Tuliao ang itinuturong opisyal ng PhilHealth na responsable sa pag apruba ng accreditation ng WellMed Dialysis Center nitong 2019 sa kabila ng isinagawang imbestigasyon ng Fact Finding Investigation and Enforcement Department ng PhilHealth sa mga ghost claims ng WellMed.
Lumalabas sa imbestigayon ng NBI AGD na hindi nagsagawa ang PRO NCR ng periodic monitoring sa mga Health Care Institution na paglabag sa RA 106060.
- Latest