Party-list system act pinaglalaruan ng mga pulitiko
MANILA, Philippines — Hiniling ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Comelec na dapat muling pag-aralan ang umiiral na Republic Act 7941 o Party-list System Act sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, dahil hindi na nagagampanan ng Party-list system ang tunay na layunin ng batas bilang kinatawan ng marginalized at underrepresented sector sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Karamihan, anya sa mga nanalong party-list ay nagagamit ng political dynasty at traditional politician para mapalawak at mapatatag ang impluwensiya at ang lehitimong party-list na tunay na kumakatawan sa marginalized sector ay nababaliwala.
Pero, nangangamba ang pari na hindi rin maging matagumpay ang pag-aalis o pag-amyenda ng party-list system act lalu’t ang sistema ay pinapakinabangan ng dinastiya.
- Latest