Taas-presyo ulit sa LPG, petrolyo
MANILA, Philippines — Muli na namang magtataas ang presyo sa liquified petroleum gas (LPG) at petrolyo sa susunod na Linggo.
Ayon sa oil industry sources, ang taas-presyo sa cooking gas ay nasa pagitan ng P0.50 hanggang P1.00 kada kilo o P5.50 hanggang P11 sa kada 11 kilong tangke.
Ito ay bunsod sa inaasahang pagmahal ng contract price sa world market.
Hindi naman naglabas ng anunsiyo sa posibilidad na pagtaas din ng presyo ang Auto–LPG, na ginagamit ng mga taxi.
Asahang ipapatupad ang LPG price hike sa Mayo 1 Labor Day.
May nakaamba ring oil price sa susunod na Linggo.
Sa abiso ng Jetti, base sa result ang trading mula sa Lunes ay tataas ang presyo ng produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng nasabing kumpanya ang presyo ng diesel ay posibleng tumaas ng P0.75 hanggang P0.85 centavos kada litro.
Habang P0.70 hanggang P0,80 kada litro sa gasolina at wala naman anunsiyo sa price hike ng kerosene.
Ito aniya ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest