^

Police Metro

Murang Kuryente Partylist pinalagan ang paggamit ng pondo ng electricity coop

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinondena kahapon ni Murang Kuryente Partylist (MKP) 1st nominee Gerry Arances ang kontribusyon na ginagawa ng electric cooperatives sa isang partylist na tumatakbo ngayong 2019 elections.

 

Nabatid na nag-isyu ng Resolusyon 21, Serye ng 2019 ang  Davao del Sur Electric Cooperative na nagkakaloob ng P3-M sa partylist na Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA), ang grupo rin na nagtangkang ipasa ang real property taxes bilang  add-on charges sa buwanang bayarin ng mga consumer.

Isa pang electric cooperative na nagkaloob na katulad ng kontribusyon ang Isabela II Electric Cooperative (ISELCO) na nag-Isyu ng tseke na nagkakahalaga ng P2 milyon sa PHILRECA.

Nabatid din na ginagamit umano ng PHILRECA ang network at resources ng mga electric cooperatives para gumawa at magpamigay ng kanilang campaign materials bukod pa sa pisong buwis kada taon ng bawat miyembro ng mga kooperatiba na aabot sa P12.4 milyon kada taon.

 Binigyan ang Murang Kuryente Partylist ng kopya ng sulat sa Energy Regulatory Commission (ERC) nitong  Marso 5, 2019 ng National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) na nagbulgar sa tiwaling praktis ng PHILRECA.

Ipinagbabawal sa Omnibus Election Code sa mga public utilities at iba pag binigyan ng prangkisa ng gobyerno na makaloob ng anumang kontribusyon sa layuning pampolitika.

MURANG KURYENTE PARTYLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with