^

Police Metro

Alkalde, 8 pa inaresto sa gun ban

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang alkalde ng Pantar, Lanao del Norte at walo nitong kasama kabilang ang dalawang pulis ang dinakip ng mga otoridad matapos mahulihan ng mga armas na walang lisensiya sa Comelec checkpoint kamakalawa ng hapon sa Iligan City, Lanao del Norte.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Pantar Mayor Jabar Tago; dalawang security escort na sina PO1 Johaimen Mohamad; at PO1 Rasid Lambay, nakatalaga sa Pantar Municipal Police Station (MPS) at mga security escort ng alkalde.

Batay sa ulat, bandang alas – 5:00 ng hapon nang maharang ang behikulo ng mga suspek sa isang Comelec checkpoint sa national highway ng Brgy. Tomas Cabili ng lungsod.

Hinarang at inaresto ang mga ito nang mabigo na makapagpakita ng Comelec gun ban exemption at Comelec clearance para maging VIP security ng isang pulitiko.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang M16 rifle, isang MP5 , isang 9 MM pistol at isang cal. 45 pistol.

Noong Mayo 2018 ay inaresto na rin si Mayor Tago at anim na iba pa matapos na makipagbarilan sa pulisya at mga sundalo na sumalakay sa compound nito sa Brgy. Sundiga, Pantar matapos na makatanggap ng ulat hinggil sa nagtatago ang una ng mga matataas na kalibre ng armas.

COMELEC CHECKPOINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with