Sobrang pagkain sa mga resto atbp inoobliga na ipamahagi
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nag-oobliga sa mga supermarket, restaurant at food manufacturers na ipamahagi ang mga sobra nilang pagkain.
Sa botong 183 na Yes ay nagkaisang ipinasa ng mga kongresista ang House Bill No. 8873 o ang “Food Waste Reduction Act.”
Layon ng panukala ay tapusin na ang pag-aaksaya ng pagkain at mabawasan ang malaking problema sa kagutuman.
Sa ilalim ng panukala, lilikha ng tinatawag na food banks na siyang titingin sa kalidad ng mga pagkain na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang ang mga tira-tirang pagkain na hindi na maaaring kainin ay padadala naman sa livestock farmers.
Pagmumultahin naman ng isa hanggang limang milyong piso ang sinumang magbebenta ng mga donasyong pagkain.
- Latest