^

Police Metro

Solons inalisan ng mga bodyguard

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang kongresista ang nababahala sa kanilang buhay habang papalapit ang midterm elections sa Mayo matapos na tanggalin sa kanilla ang mga pulis na nagsisilbi nilang security detailas.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety ay sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johny Pimentel, nanga­ngamba sila sa kanilang seguridad ngayong na pull out ang kanilang mga security escorts lalot pa’t pahirapan ang pagkuha nila ng mga security details.

Anya, marami na ang pinaslang na kandidato at mas lalo pa itong darami kung hindi sila mabibigyan ng mga security personnel.

Inihalimbawa nito ang nangyaring pamamaslang kay La Union Rep. Eufranio Eriguel na inalisan ng security details.

Kung hindi umano inalis ang mga security escorts nito ay maaring nakaligtas sa pananambang ang dating mambabatas.

Sa ilalim ng House Resolution 2421, hinihikayat nito ang DILG at Comelec na magbigay ng final detailed list of requirements na kaila­ngan ng PNP-Police Security and Protection Group (PSPG) upang mapabilis ang aplikasyon ng mga government officials para sa pagkakaroon ng security detail.

JOHNY PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with