15 years old ka na pala PM
MANILA, Philippines — Labinlimang taon na pala ang Pang Masa (PM) na akala ko ay kailan lamang ito nagsimula at nasa kalsada.
Ang bilis talaga ng panahon, nasa 15 taon na pala na lumalabas sa PM ang mga balitang Malacañang mula sa Arroyo government, Aquino administration hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi nga sa akin ni PCOO Sec. Martin Andanar, akala niya ay bagong tabloid lamang ang PM na sister tabloid ng Pilipino Star Ngayon ‘yun pala ay 15 years old nang namamayagpag sa paghahatid ng mainit na balita ang PM.
Ayon kay Sec. Andanar, tamang tama raw ang tema ng anniversary ng PM na In na In @ 15 dahil talagang akmang-akma sa masang Filipino ang mga nakapaloob na balita ng PM na mabilis maunawaan ng mga mambabasa kahit ang mga mag-aaral sa elementarya.
Idinagdag pa ni Andanar, siksik sa balita ang PM kaya kahit siya ay nagustuhan din niya ang mga laman nito dahil mabilis niyang maunawaan ang ibig tumbukin ng news article kahit na maiksi ang pagkakasulat nito.
Aniya, diretso at walang pasikut-sikot kasi ang pagkakasulat ng bawat news article na walang masyadong palabok at pambobola sa mambabasa kumbaga ay direkta sa isyu.
Wika pa ni Andanar, sana ay madagdagan pa ang pahina na ilalaan ng PM para sa mga news article upang mas maraming impormasyon ang mapulot at mabasa ng publiko na tumatangkilik sa PM.
Sabi pa ng PCOO chief, hindi masakit sa mata ang mga letra sa PM kaya hindi nahihirapan ang mambabasa nito mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.
“Maligayang anibersaryo sa PM, congratulations sa lahat ng bumubuo sa editorial staff ng PM. Mabuhay kayo,” pahayag pa ni Sec. Andanar sa pagbati niya sa anibersaryo ng PM.
- Latest