^

Police Metro

Masons nagtanim ng 1-M puno

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtanim ng 1 milyong puno ang grupo ng ‘The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines (MASONS) para makatulong sa pagsagip ang kalikasan.

Ayon kay Masons Grand Master, Most Worshipful (MW) Romeo Momo, sini­mulan nila ang pagtatanim ng iba’t ibang puno nitong nakalipas ng June 24, 2018 kasabay ng pista ni St. John the Baptist na siyang patron ng MASONS.

Pinangunahan ni MW Momo, kasama ang kanyang pamilya at iba pang opisyal at miyembro ng Masons ang pagtatanim ng iba’t ibang puno sa remote area ng La Mesa Dam sa Quezon City.

Simultenious na isinagawang tree-planting acti­vity ng Masonic appendant bodies sa Santa Ilocos Sur, Alfonso Lista at Lamut sa Ifugao, Tuguegarao City, Santiago City, Maddela at Cabarogguis sa Quirino, Aritao sa Nueva Vizcaya, Botolan sa Zambales, Olongapo City, Bongabon sa Nueva Ecija, Bulakan-Bulakan sa Bulacan, Cavinti sa Laguna, San Jose, Roxas at Bongabong sa Oriental Mindoro, Lian at Tanauan City sa Batangas, Sto. Domingo sa Albay, Bacon sa Sorsogon, Milagros sa Masbate, Lahug sa Cebu, Zamboanga City, Bayug Island sa Iligan City, Butuan City, Surigao City, Lingig sa Surigao Del Sur.

Isinagawa rin ang tree planting activity sa Tandag City, Surigao Del Sur na siyang hometown ni Grand Master Momo. Sa kick-off day ng programa ay kabuuang 25,000 puno ang itinanim na magpapatuloy hanggang sa huling termino ni MW Momo sa Abrill 2019.

ROMEO MOMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with