NCRPO: Crime rate sa Metro Manila, bumaba
MANILA, Philippines — Dahil sa puspusang anti-criminality at anti-drug campaign ng pulisya ay bumaba ang crime rate sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Police Office (NCRPO) Chief P/Director Camilo Cascolan na simula nang manungkulan siya sa puwesto ay bumaba ang mga kaso ng mga index crimes na naitala mula Abril 16 hanggang Mayo 20 ng taong ito.
Bumaba sa 1,255 ang mga krimen na kanilang nairekord na mas mababa sa 1,678 na krimen sa kaparehong period noong nakalipas na taon.
Ang index crimes ay nakatuon sa 8 krimen na kinabibilanhan ng murder, homicide, rape, robbery, theft, physical injury at carnapping ng mga motorsiko.
Sa tala naman ng Weekly Average Crime Trend ng NCRPO Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), lumalabas na ang Average Crime Rate ay bumaba ng 29.29%.
- Latest