^

Police Metro

Pagbasa ng sakdal kay Aquino at Purisima pipigilan

Doris Franche-Borja at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipigilan ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang nakatakdang pagbasa nang sakdal kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Nakatakda ang pagbasa ng sakdal sa  Pebrero 15,2018 para sa kasong usurpation of authority kaugnay ng nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 na naka­binbin sa Sandiganbayan 4th Division. 

Batay sa 40-pahinang manifestation ay hiniling ni Solicitor General Jose Calida na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para hindi matuloy ang arraignment. 

Sa oras anya, na ma­tuloy ang pagbasa nang sakdal ay mawawalan na ng karapatan ang mamamayan na mausig sa tamang kaso sina Aquino dahil hindi na maaring maihabol ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na mas akmang reklamo na dapat na naisampa sa mga akusado. 

Hiniling din ng OSG na ipawalang bisa o baligtarin ng Korte Suprema ang re­solusyon ng Ombudsman na nagbasura sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kina Aquino. 

Nais din ni Calida na atasan ng Korte Suprema ang Ombudsman ang  maghain ng 44 bilang ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga respondent. 

Naniniwala ang OSG na may probable cause para ipagharap sina Aquino, Purisima at Napeñas ng mas mabigat na kaso dahil nakitaan nila ang tatlo ng “lack of precaution” o kawalan ng pag-iingat na humantong sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with