DOJ pinaimbestigahan ang P3.5-B dengue vaccine
MANILA, Philippines — Bunsod nang pagkakatuklas ng negatibong epekto ng dengue vaccine na Dengvaxia sa ilalim ng dating Aquino administrasyon sa mga binakunahang hindi pa nagka-dengue at nasa P3.5 bilyon halaga ang naging procurement ng Department of Health ay pinaimbestigan ito ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na layon ng kanilang imbestigasyon ay matukoy kung nagkaroon ng iregularidad at kapabayaan sa panig ng mga dating opisyal ng pamahalaan na responsable sa pagbili ng naturang bakuna.
Lumilitaw na umaabot sa 733,000 bata na ang nabakunahan ng naturang vaccine na gawa ng Sanofi Pasteur at susuriin din kung agad na naipaalam sa publiko ang babala ng Sanofi.
Nanawagan si Aguirre sa mga magulang na may anak na nabakunahan ng Dengvaxia na lumapit sa NBI kung may masamang epektong naidulot ang naturang dengue vaccine.
Samantala, siniguro ng Malacañang na mananagot ang mga opisyal na mapapatunayang responsable sa sinuspindeng dengue immunization program.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aminin ng Sanofi Pasteur na mayroong risk sa mga nabakunahan na hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Iginiit naman ni Roque kahapon na hindi dapat mag-panic ang taumbayan dahil hindi naman umano ito nakakamatay.
Nasa 730,000 na bata ang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine noong nakaraang taon sa National Capital Region, Region 3 at Region 4-A.
- Latest