^

Police Metro

Ex-Angeles City Mayor 20 taon na makukulong

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawampung taong pagkakulong ang hinatol ng Sandiganbayan kay dating Angeles City Mayor Francis “Blueboy” Nepomuceno matapos mapatunayang guilty sa kasong graft na may kinalaman sa maanomalyang pag-donate ng service vehicle ng lungsod sa isang  non-government organization noong 2010.

Kapwa akusado ni Nepomuceno dito sa paglabag sa Sections 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Ginoong Abelardo Pamintuan Jr, Presidente ng Kapanalig Angeles City Inc.

Batay sa record noong June 8, 2010, nai-donate sa naturang NGO ang isang  Mitsubishi Adventure GLS 2.5 vehicle  na may plakang SHL 124 at nabili sa halagang  P786,000.

Dahil hindi umano isang ahensiya ng gobyerno o hindi tanggapan ng gobyerno ang Kapanalig, sinabi ng mga state prosecutors na lumabag si Nepomuceno sa Local Government Code.

FRANCIS “BLUEBOY” NEPOMUCENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with