^

Police Metro

Guro, estudyante nalunod sa dagat

Francis ­Elevado - Pang-masa
Guro, estudyante nalunod sa dagat
Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo sa dagat ng isang estud­yante matapos malunod at ­maging ang guro na sumagip na naganap kamakalawa sa Sitio Calabegaho, Brgy. Osmeña, Jose Pa­nganiban, Camarines Norte.

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo sa dagat ng isang estud­yante matapos malunod at ­maging ang guro na sumagip na naganap kamakalawa sa Sitio Calabegaho, Brgy. Osmeña, Jose Pa­nganiban, Camarines Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang si Gene Avellana Jr., may-asawa, guro sa Gawad Kalinga High School (GKHS) at residente ng Basud, Camarines Norte.

Habang pinagha­hanap ang estudyanteng si Aa­ron Hitolle, 16, grade 11 ng GKHS at residente ng Purok 3 ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay humihingi ng saklolo si Hitolle matapos na ito ay mapadpad sa malalim na lugar kaya’t agad sumaklolo ang gurong si Avellana.

Subalit, maging siya ay tinangay ng malakas na agos ng dagat na na­ging dahilan upang ito ay tuluyang malunod at maging si Hitolle.

Magsasagawa ng im­bestiagsyon ang DepEd-Camarines Norte sa insidente.

GENE AVELLANA JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with