^

Police Metro

Sex video ni Leila ilalabas... Pinag-iisipan na gawing ebidensiya - DOJ

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinag-iisipan umano ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ilabas ang umano’y sex video ni Sen. Leila De Lima at ang dating driver na si Ronnie Dayan para gamiting ebidensiya.

Ito ang pag-amin ni Sec. Aguirre at  ito ay kung hindi umano makikipagtulungan ang dalawa sa pagsisiyasat ng House panel sa usapin ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Aguirre na matibay ang sex video na magpapatunay kung  anong relasyon meron si De Lima sa kanyang dating driver na inaakusahang kolektor ng drug money sa NBP.

Lilitaw rin dito kung gaano kalakas ang koneksiyon ni  Dayan kay De Lima hanggang sa ope­rasyon  ng bentahan ng  illegal na droga sa Bilibid.

Magugunita, una nang nanindigan si De Lima na gawa-gawa lamang ang sex video na iniuugnay sa kanya at maging staff nito ay nagsabi na hindi tugma ang hitsura ng nasa video/picture sa physical features ng senadora.

Naniniwala naman si Aguirre na nasa bansa pa si Dayan  kaya’t hindi kailangan ang manhunt laban dito.

Aniya, ang NBI  na lamang  ang siyang hahanap kay Dayan dahil na i-turn over na nila ang kaso dito.

Handa nilang isailalim sa  Witness Protection Program si Dayan sakaling pumayag na humarap sa pagdinig ng Kamara hinggil sa talamak na bentahan ng  iligal na droga sa Bilibid na kailangan lamang na sabihin nito ang    lahat ng  katotohanan laban kay De Lima.

Samantala, binuweltahan ni De Lima si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na pumupuna sa kanyang sex life at maging ang drug lord na si Jaybee Sebastian ay iniuugnay sa kanya na pinalalabas ng Pangulo na isa siyang bayarang sex worker.

Hindi umano totoo ang mga lumabas na alegasyon na nagtagal siya ng ilang oras sa kubol ni Sebastian sa loob ng National Bilibid Prison.

Idinagdag pa ni De Lima na nakakuha rin siya ng A1 information na maging ang asawa umano ni Sebastian ay kinukumbinsi itong tumestigo laban sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with