^

Police Metro

Lumabag sa Comelec gun ban umakyat na sa 507 - PNP

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 507-katao ang naaresto ng pulisya matapos lumabag sa Comelec gun ban.

Sa ulat ni  P/Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, simula alas-8  ng umaga kahapon, umabot na sa 507 personalidad, karamihan ay sibilyan, ang naaresto dahil sa pagdadala ng baril matapos ipatupad ang Comelec gun ban noong Enero 10, 2016 at magtatapos sa Hunyo 8, 2016

Sa nasabing bilang, 490 ang mga sibilyan, dalawa ang pulis, apat ang opisyal ng pamahalaan,  anim ang security guard, apat ang kawani ng law enforcement agency, at dalawa ang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

Samantala, nakakumpiska ang PNP ng 304 armas, 3,028 deadly weapons, 14 granada, pitong pampasabog, 12 replika ng baril, at 2,995  bala.

Ang gun ban ay ipinapatupad ng PNP at iba pang law enforcement agencies alinsunod sa magaganap na national at local elections sa May 9 sa bansa.

Tiniyak din ng PNP na mananatiling vigilante ang kanilang puwersa gayundin ang security operations para matiyak na tahimik ang magaganap na halalan.

 

ANG

CAFGU

CHIEF SUPT

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COMELEC

ENERO

HUNYO

SAMANTALA

TINIYAK

UMAKYAT

WILBEN MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with