^

Police Metro

Matapos magturuan sa Mamasapano probe... AFP, PNP sinabon ni Enrile

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – This is a wake up call for the country.That shows there is no leader hand­ling the entire system in a critical moment. Nagtuturuan kayo eh!...Eh sasalakayin tayo ng Tsina at ganyan gagawin ninyo? Maleletse ang  buong Pilipinas di lang kayo. My God!.”

Ito ang galit na sinabi ni Senator Juan Ponce Enrile sa pagtuturuan ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kaugnay sa mga nangyari sa Mamasapano encounter sa isinagawang hearing kahapon.

Sinabon ni Enrile sina dating SAF chief Getulio Napeñas at Army Major General Edmundo Pa­ngilinan matapos magturuan at magsisihan sa palpak na operasyon.

Partikular na sinabon ni Enrile si Pangilinan, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army  dahil hindi kaagad nagbigay ng artillery support sa SAF habang nakikipaglaban ang mga ito.

Nainis si Enrile sa naging sagot ni Pa­ngilinan kay Napeñas na hindi siya basta-basta makakalusob at makakapag-bomba kung hindi sapat ang ibinigay sa kanilang impormasyon mula sa ground.

Hindi nagustuhan ni Enrile ang nasabing sagot dahil kung ginigiyera na umano ang bansa, ay dapat maging flexible at hindi doctrinal ang kumander ng militar.

“My goodness Gen.Pangilinan! In a running battle, is that how are you going to handle a critical situation?  If this is war, my God the country will be in a terrible peril if you are the commander, a commander is supposed to know his area of ope­ration and you have to innovate, you have to be flexible not doctrinal,” ani Enrile.

Matatandaan na sa mga nauna nang pagdinig ng komite inamin ni Napeñas na sinadya nilang hindi ipaalam kaagad sa AFP ang operas­yon at gawin na lamang itong “time on target” o ipaalam sa mismong oras dahil ang mga nauna nilang misyon ay nabulilyaso o hindi natutuloy kapag nakiki­pag-coordinate sa militar.

Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig ay agad na sinabi ni  Enrile na may direktang partisipasyon si Pa­ngulong Noynoy Aquino sa nasabing insidente sa Mamasapano at nilimitahan lamang niya ang kanyang sarili at kay Deputy Director General Alan Purisima  ang nasabing misyon na tinawag na Oplan Exodus.

Deretsahan din sinabi ni Enrile na si Pangulong Aquino ay responsable sa palpak na operasyon ng SAF na ikinasawi ng 44 miyembro.

Nagtatago anya, si Pangulong Aquino sa likod ng kanyang kaibigan na si Purisima upang makaligtas sa anumang pananagutan sa pagkamatay ng SAF 44.

Sinabi rin ni Enrile na ang Pangulo ang “appro­ving authority” at tahasan din umano nitong isinan­tabi ang command system sa pagitan ng AFP at PNP.

Matatandaan na naka-hospital arrest si Enrile nang  isagawa ang mga unang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY MAJOR GENERAL EDMUNDO PA

ATILDE

DEPUTY DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

ENRILE

GETULIO NAPE

NBSP

PANGULONG AQUINO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with