Davao police official sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Matapos mapatunayang guilty sa kasong falsification of public document na may kinalaman sa hindi makatotohanang entries ng kanyang Personal Data Sheet (PDS) ay sinibak sa puwesto ng tanggapan ng Ombudsman si Deputy Regional Director Akmad Mamalinta ng Police Regional Office sa Davao City.
Bukod sa kasong criminal si Mamalinta ay nahaharap din sa kasong administratibo dahil sa serious dishonesty.
Hindi na rin pinapayagan ng batas na makabalik pa sa anumang tanggapan ng gobyerno si Mamalinta, kanselado ang kanyang eligibility at walang matatanggap na retirement benefits at may multa para sa kanyang nagawang kasalanan na halaga ng kanyang isang taong sahod kapag naalis na sa serbisyo.
Batay sa record, taong 2000 ay naideklara ni Mamalinta sa kanyang PDS na siya ay isang Career Executive Service Officer at nakumpleto na ang kanyang masteral degree sa Philippine Christian University (PCU).
Pero lumabas sa mga certificates mula sa Civil Service Commission at mula sa PCU na mali ang inilagay ni Mamalinta.
- Latest