Charger sumabog: Magtiyahin natupok
MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang isang 42-anyos na ginang at 12-anyos nitong pamangking lalaki na natupok sa naganap na sunog sa kanilang bahay matapos sumabog ang isang battery charger kahapon ng madaling araw sa Brgy. 9, Victorias City, Negros Occidental.
Kinilala ang nasawing magtiyahin na sina Lalaine Francisco, at batang lalaking pamangkin nito na si John Lloyd Francisco; pawang residente ng nasabing lugar.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang sina Rowena Francisco; mga anak na sina Agnel, John Michael at isang tinukoy lamang sa palayaw na si Jan-jan.
Sa imbestigasyon ni FO 1 Stephen Pedragas ng Victorias City Fire Marshal, naitala ang sunog sa bahay ng mga Francisco dakong alas-1:45 ng madaling araw.
Nabatid na nag-overheat na battery sa universal charger na naiwang nakasaksak ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa dalawang palapag ng bahay ng pamilya.
Mabilis na ito ay kumalat at nadamay ang mga katabing kabahayan at naapula bandang alas-3:30 ngmadaling araw.
- Latest