218,639 bakanteng posisyon sa gobyerno
MANILA, Philippines – Dapat nang punan ang nasa 218,639 na bakanteng puwesto sa national government offices upang mabawasan ang mga walang trabaho sa bansa.
Ito ang iginiit kahapon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, dahil isa sa bawat tatlong kabataan sa ngayon ay walang trabaho.
Naniniwala si Recto na maaring kunin ng gobyerno ang malaking bilang ng mga walang trabaho kung saan 536,072 ang mga tapos pa ng kolehiyo.
Nauna ng isiniwalat ni Recto na sa kabuuang 1,513,695 permanenteng posisyon sa national government, nasa 1,295,056 lamang ang maookupa ngayong taon kung saan 218,639 ang bakante.
- Latest