^

Police Metro

Pusher, sanggol dedbol sa pamamaril

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang lalaki na umano ay drug pusher at hawak nitong sanggol na anak matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina Ernesto Serrano, 25, pedicab driver, at 1-buwang gulang na anak nitong si Princess Ayesa, kapwa residente ng No. 41 Dr. Lascano Street, Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

Habang isinugod naman sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng ligaw na bala sa kanang kamay si Alfredo Reyes, 42-anyos.

Tumakas ang dalawang suspek na lulan ng isang pedicab at isang single na motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay nag­lalakad si Serrano sa kahabaan ng P. Concepcion Street, Brgy. Tugatog nang mapansin ang dalawang suspek sanhi para magtatakbo ito habang karga ang anak na sanggol.

Hinabol ang mag-ama at nakorner sa harapan ng Tugatog High School sa may Dr. Lascano Street at  pinagbabaril ang mga ito at tinamaan ng ligaw na bala si Reyes.

Lumalabas sa imbestigasyon na may kaugnayan ang pamamaril kay Serrano sa pamamaslang sa isang Norberto Sabarillo nitong nakaraang Enero 12 sa Dr. Lascano Street at sinasabi na ang una umano ang gunman sa naturang pamamaslang kaya malaki ang hinala na gantihan ang pagpaslang sa una at na­damay ang  walang muwang nitong anak.

Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang pitong maliliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa katawan ng biktima at isang cartridge at isang bala ng kalibre .45 baril.

vuukle comment

ACIRC

ALFREDO REYES

ANG

BRGY

CONCEPCION STREET

DR. LASCANO STREET

ERNESTO SERRANO

MALABON CITY

NORBERTO SABARILLO

PRINCESS AYESA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with