Sulu encounter: 5 Abu napatay
MANILA, Philippines - Nasawi ang limang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nang makasagupa nito ang tropa ng pamahalaan sa kagubatan ng Brgy. Liang, Patikul, Sulu kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-8:10 ng umaga sa pagitan ng mga bandido at operating units ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 ay kasalukuyang sinusuyod ng mga ito ang kagubatan nang makasagupa ang nasa 40 bandido sa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Sub Commander Ninok Sapari.
Agad nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto bago nagsiatras ang mga kalaban na kung saan ay limang bandido ang napaslang at ang isang bangkay ang narekober habang apat pa ay nabitbit ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang pitong matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng isang M14 rifle, isang M16 rifle, dalawang M203, isang M4, isang grenade launchers at sari-saring mga bala.
Wala namang nasugatan sa panig ng pamahalaan at patuloy ang hot pursuit operation sa mga bandido.
- Latest