Serbisyo ng Globe Telecom sa Samar, naibalik na
MANILA, Philippines – Matapos ang ginawang pananalasa ng bagyong Nona sa Catarman, Northern Samar na kung saan ay nasira ang mobile services dito ay agad naman itong naibalik ng Globe Telecom sa lalong madaling panahon.
Ito ang inihayag ni Globe Senior Vice President for Operations-Network Technical Group, Peter Tan.
Puspusan pa rin ang ginagawang pagsasaayos ng kompanya sa mga cell site na labis na naapektuhan ng bagyo na kung saan ay ilang service disruptions ang na-monitor sa ilang lugar sa Southern Luzon at Eastern Visayas.
Karamihan sa service disruptions na ito ay sanhi ng power outages at transmission issues na dulot ng malalakas na hangin dala ni Nona.
Bukod dito ay pinalawak ng Globe ang pagpapakalat ng ‘Libreng Charging’ operations na nagkakaloob ng serbisyo sa 25 iba’t ibang barangay sa buong lalawigan ng Samar.
Nagsasagawa din ng ‘Libreng Charging’ sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Sorsogon City na nasapol din ng bagyong Nona.
- Latest