^

Police Metro

Malaking tulong sa mga magsasaka ipinangako ni Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nangako kahapon si Vice President Jejomar C. Binay na kapag siya ang nanalong pangulo ng bansa ay bibigyan niya  ng malaking tulong ang mga magsasaka ng bigas na nakakatanggap lang ng maliit na tulong sa kasalukuyang pamahalaan.

Ang pahayag na ito ni Binay ay nang bumisita ito kahapon sa International Rice Research Institute (IRRI) in Los Baños, Laguna.

“Ang bigas ay ating pangunahing pagkain, su­balit kakaunti lang ang natatanggap nitong suporta sa kasalukuyang pamahalaan.Dapat ay ipagkaloob natin sa ating mga magsasaka ang malaking tulong upang sa ganun ay dumami ang kanilang ani at guminhawa din ang kanilang pamumuhay.” wika ni Binay.

Ayon kay Binay na batay sa PhilRice study na ang mga rice farmers ay napakababa ng natatanggap na suporta sa pamahalaan kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asia tulad sa China na nagbibigay ng libreng inbred seeds at hybrid seeds sa mga miyembro ng kooperatiba gayung ang pamahalaan ay walang ibinibigay na subsidiya.

 Anya ang halaga ng fertilizer ay nasa P1,188 per 50kg-bag at ang mga magsasaka ay gumagamit ng apat na bag bawat ektarya kaya’t gumagastos sila ng halos P5,000 para lang fertilizer.

Dahil sa mahal ng fertilizers ay napipilitan ang mga magsasaka na tipirin ito na nakakaapekto naman sa kanilang mga inaaning bigas.

Ipinangako ni Binay na ang kanyang admi­nistrasyon ay itutulak ang programang community seed banking, seed buffer stocking, at linking ng  seed producers na mura lang upang hindi pabigat sa mga magsasaka.

Sisiguraduhin din niya ang subsidiya at hihimukin ang mga local government units (LGUs) na turuan ang kanilang mga magsasaka na makagawa ng sarili nilang fertilizer.

Nalulungkot din si Binay dahil ang mga magsasaka ay nagbabayad ng irrigation fee na P2,000 kada ektarya sa panahon ng tag-ulan at  nasa P3,000 sa panahon ng tagtuyot, gayung ito ay libre sa China, India, Indonesia, Thailand, at Vietnam.

ACIRC

ANG

ANYA

ATILDE

AYON

BINAY

INTERNATIONAL RICE RESEARCH INSTITUTE

LOS BA

MAGSASAKA

MGA

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with