42 tiklo sa drug bust
MANILA, Philippines – Pinaigting ng Quezon Police Provincial Office ang kampanya laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa 42-katao sa isang araw lamang na operasyon kabilang na rito ang number 1 na tulak kamakalawa.
Ayon kay QPPO director P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, inatasan niya ang mga hepe ng pulisya sa 39 bayan at 2 lungsod sa probinsya ng Quezon na ipatupad ang “One Time, Big Time” kung saan ay naaresto sa bayan ng Lopez, Quezon ang notoryus na nasa talaan ng mga sangkot sa droga na si Leonardo Palad.
Sa Lucena City ay nasakote naman ng mga tauhan ni P/Supt. Joel de Mesa ang 5-katao, 3 sa bayan ng Sariaya, at dalawa naman sa bayan ng San Narciso.
Nakapaloob sa kampanya ang mga isinilbing 20 arrest warrant at 8 search warrant mula sa korte na nagresulta sa pagkakadakip sa kahalintulad na bilang ng mga taong involved sa droga sa iba’t-ibang bayan.
- Latest