^

Police Metro

Negosyante pumalag sa holdaper, itinumba

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 43-an­yos na negosyanteng babae na lumaban sa dalawang holdaper matapos itong pagtulungang saksakin habang naglalakad papauwi sa Barangay Tampok, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng 27-saksak sa katawan at nagawa pang maisugod sa Maborrang Hospital sa Brgy.  Sto. Niño subalit hindi na umabot pa ng buhay ang biktimang si Jennifer Marmolejo, may-ari ng sari-sari store at residente ng Purok 4 sa nasabing barangay.

Kasalukuyan namang inaalam ang pagkakilanlan ng mga suspek na tuma­ngay sa hindi nabatid na halaga ng pera.

Sa imbestigasyon ni PO2 Roderick Velano, dakong alas-9:30 ng gabi habang naglalakad pauwi ang biktima matapos na magsara ng kanyang tindahan nang mapagawi ito sa madilim na bahagi ng lugar sa Purok 4.

Dito na sumulpot sa kanyang likuran ang mga suspek saka kaagad na nagdeklara ng holdap subalit lumaban ang biktima kaya pinagtulungang saksakin.

Nagkataon namang nag­lalakad din ang kanyang mga kaanak sa naturang lugar para salubungin siya subalit nang makita itong nakabulgta na naghihingalo ay kaagad na isinugod sa ospital pero hindi na umabot pa ng buhay.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BARANGAY TAMPOK

BRGY

BULACAN

DITO

JENNIFER MARMOLEJO

MABORRANG HOSPITAL

PUROK

RODERICK VELANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with