^

PM Sports

Tolentino ‘di matinag sa POC

Russell Cadayona - Pang-masa
Tolentino ‘di matinag sa POC
Nagkamay sina POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Chito Loyzaga matapos ang POC elections kahapon sa East Ocean Palace Restaurant.

MANILA, Philippines — Si Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang patuloy na mamamahala sa Philippine Olympic Committee (POC).

Humakot si Tolentino ng 45 boto kumpara sa 15 ni Chito Loyzaga ng baseball association sa POC elections kahapon sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City.

Ang 61 voting members ay kinabibilangan ng 58 National Sports Associations (NSAs), nina EJ Obiena at Nesthy Petecio ng Athletes’ Commission at ni International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski.

Nailuklok ang 60-an­yos na si Tolentino bilang POC president noong 2019 hanggang 2020 sa isang special election matapos iwanan ni Ricky Vargas ang puwesto.

Sa isang regular pool ay nahalal siyang muli noong 2021 at nagsilbi hanggang ngayong taon.

Ayon sa pangulo ng Integrated Cycling Fe­deration of the Philippines (Philcycling), ipagpapa­tuloy niya ang kanyang programa sa POC na nagresulta sa matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa nakaraang dalawang Olympic Games.

Binuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo Games noong 2021 kasunod ang double-gold ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa Paris nitong taon.

Dinomina rin ng “Working Team” ni Tolentino ang mga posisyon sa POC.

Wagi sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio (first vice president), Richard Gomez ng modern pentathlon (second vice president), Jose Raul Canlas ng surfing (treasurer) at Don  Caringal ng volleyball (internal auditor).

Nailuklok sa POC E­xecutive Board sina Len Escollante ng canoe kayak, Alvin Aguilar ng wrestling, Ferdie Agustin ng jiu-jitsu, Ali Sulit ng judo at Leah Gonzalez ng fencing.

ABRAHAM TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with