^

Police Metro

Saudi road accident... 14 Pinoy workers utas

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 14 Pinoy workers ang naiulat na nasawi sa naganap na aksidente sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Saudi Arabia.

Ito ang natanggap na ulat ni Deparment of Fo­reign Affairs (DFA)  Assistant Secretary Charles Jose at patuloy pa na kinokontak ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang  Human Resource (HR) ng kumpanya upang kumpirmahin kung ilan ang tunay na bilang na sakay  na  Pinoy workers sa coaster nang maganap ang aksidente.

Batay din sa initial report na may 12 iba pang Pinoy at ang driver na Pakistani ang nasugatan sa aksidente na naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa Hofuf, Al-Hassa.

Nabatid na ang coaster, ay minamaneho ng isang Pakistani at sakay ang nasa 26 Filipinos, na karamihan ay mga electricians nang masalpok ng trailer truck ang kanilang sinasakyan.

Ang 26 OFWs ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia Kentz, isang contracting and engineering company.

“Nasa lugar na nang pinangyarihan ng aksidente at ospital ang ma­nagement ng kumpanya na siyang magbibigay ng opisyal na ulat ng nasabing insidente,” wika ni Jose.

Nabatid sa source na manggagawa ng kum­panya ang mga biktima ay dinala sa King Fahad Hospital.

Inaalam na ng DFA ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

ACIRC

AL-HASSA

ANG

ASSISTANT SECRETARY CHARLES JOSE

DEPARMENT OF FO

HUMAN RESOURCE

KING FAHAD HOSPITAL

NABATID

PINOY

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA KENTZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with