^

Police Metro

Bus vs bus: 2 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang 37 naman ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Bulbulala, bayan ng Santiago, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Reynaldo Pineda, 29; at Senior Fire Office 1 Jenny Rose Cadawas, 33, kapwa lulan ng  Partas bus.

Sa inisyal na ulat ng Ilocos Sur PNP na isinumite sa Camp Crame, bumabagtas ang Partas bus na minamaneho ni Joebert Reoso patungong Laoag City nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Nagpagiwang –giwang ang bus na aksidente namang sumalpok sa kasalubong na Redval bus  na minamaneho ni Sonny Galano na sinasakyan naman ng mga estudyante ng St. Joseph Institute na patungo naman sa Candon City.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sampung pasahero ng Partas bus ang nasugatan habang 26 estudyante naman mula sa Redval bus at ang driver nitong si Galano ang nasugatan.

Sumuko naman sa Candon City PNP ang driver ng Partas bus na si Reoso ilang oras matapos nitong takasan ang insidente.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal si Reoso na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

vuukle comment

ANG

BARANGAY BULBULALA

BUS

CAMP CRAME

CANDON CITY

ILOCOS SUR

JENNY ROSE CADAWAS

JOEBERT REOSO

LAOAG CITY

PARTAS

REDVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with