^

Police Metro

Bisor ng bangko na tumangay ng P29-M, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad matapos ang halos isang taong pagtatago sa batas ang isang wanted na dating bank cashier supervisor  ng Philippine Veterans Bank na tumangay ng P29-M.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Arthur Gadon, nakatala bilang no.6 most wanted na kriminal  sa isang follow-up operations sa  Brgy. Esperanza, Alfonso, Cavite kamakalawa.

Ang suspek ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest sa dalawang kaso ng qualified theft na inisyu ni Judge Mona Lisa Tiongson-Tabora, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 21 ng Maynila at  walang inirekomendang piyansa.

Bago ito ay nagsagawa ng surveillance operations sa lugar ang PNP-CIDG operatives matapos na makatanggap ng impormasyon sa presensya ng suspek sa nasabing lugar.

Batay sa record noong Disyembre 2014, ang suspek na  tumatayong Bank Cashier Supervisor ng Philippine Veterans Bank (PVB) sa Legaspi Village, Makati City ay  pinatalsik matapos itong makipagsabwatan sa 2 bank tellers at loan bookkeeper sa pagnanakaw ng P 29 M sa nasabing bangko.

Nang mabatid na sinampahan na siya ng kaso ay nagtago na ito sa iba’t ibang lugar sa Alfonso, Cavite at Metro Manila upang makaiwas sa pag-aresto.

ACTING PRESIDING JUDGE

ARTHUR GADON

BANK CASHIER SUPERVISOR

CAVITE

JUDGE MONA LISA TIONGSON-TABORA

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

METRO MANILA

NBSP

PHILIPPINE VETERANS BANK

REGIONAL TRIAL COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with