100 pulis na ‘death squad’ ng INC pinabulaanan
MANILA, Philippines – Pinabulaanan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang expose nang itiniwalag na opisyal ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca tungkol sa 100 pulis na nakatalaga sa loob ng compound na umano ay death squad laban sa mga pasaway na opisyal at miyembro ng nasabing relihiyon.
Sinabi ni Marquez na ang mga tauhan mula sa Police Security Protection Group (PSPG) ang siyang in-charge sa pagbibigay ng security detail subali’t limitado lamang ito sa mga opisyal ng gobyerno at mga VIP’s na may mataas na banta sa kanilang buhay.
Una nang isiniwalat ni Menorca na dinukot umano siya at kaniyang misis sa INC compound sa Quezon City ng ilang buwan kung saan ang mga pulis mismo ang nasa likod ng insidente.
Batay sa lumabas na ulat, hinikayat ng isang opisyal ng militar na tanggalin na ng PNP ang kanilang nasa 100 mga pulis na matagal ng naka-detail sa INC compound na umanoy kumukuha na ng utos hindi na sa PNP kundi sa liderato ng nasabing relihiyon na nagsisilbi na umanong mga private armies.
Tiniyak naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na walang anumang sektor na maaaring makapag-impluwensya sa PNP sakaling magsimula na ang imbestigasyon sa kaso ni Menorca.
- Latest