^

Police Metro

Mga guro sa May 2016 elections may dagdag bayad

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na pinag-aaralan na ang pagbibigay ng dagdag na bayad sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspector (BEI) sa nalalapit na May 2016 national elections.

Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, iniutos na sa mga staff na pag-aralan ang lumalakas na panawagan na dagdagan ang bayad sa mga guro na itatalaga bilang BEI sa susunod na election.

Noong 2013 election, ang mga guro ay binigyan ng P3,000 at dinagdagan ng P500 para sa pagtesting at pagselyo habang P500 naman para sa transportasyon.

Subalit ang bayad na ito ay hindi sapat sa haba ng oras ng serbisyo ng mga guro dagdag pa ang banta sa kanilang buhay kapag ang napuwestuhan ay elections hotspots.

Nakikipag-ugna­yan  na ang DepEd sa mga awtoridad para naman masiguro ang kaligtasan ng mga guro.

Ang pagtataas sa bayad sa mga BEI ay una ng hiniling na itaas hanggang sa P8,000 ang serbisyo ng mga guro sa darating na halalan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTOR

DEPARTMENT OF EDUCATION

GURO

INIHAYAG

MGA

NAKIKIPAG

NBSP

SECRETARY ARMIN LUISTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with