BBL mahihirapan nang lumusot - Solon
MANILA, Philippines - Nauubusan na ng oras ang Kongreso para maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) hanggang Disyembre dahil sa bigo ang Kamara na matapos ang period of interpellation ng panukala hanggang kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Zamboanga Congressman Celso Lobregat na duda pang kakayanin pang ilusot sa Kamara ang BBL hanggang Disyembre ang panibagong deadline na itinakda ni House Ad Hoc Committee chairman Rufus Rodriguez.
Maipasa man ang panukala hindi na ito ang original form at kakain din ng mahabang bicameral conference dahil malayo ang bersyon ng Kamara at Senado.
Kahit mapagtibay ang BBL ay hindi rin naman agad ito maipapatupad dahil pagkatapos ng enactment ay may plebesito pagkatapos ng 90 o 120 days na malabo ng mangyari dahil panahon na iyon ng kampanya.
Bukod dito isa pa umanong kumplikasyon ay ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga opisyal ng ARMM na hindi pa maaaring mag-file para sa posisyon ng prime minister dahil wala pang batas at magiging problema rin ang transition period dahil bagong halal ang mga opisyal.
- Latest