^

Police Metro

Insurance groups tinutulan ang reformed CTPL

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilusob kahapon ng mga tauhan ng ibat ibang insurance company ang opisina ng Land Transportation Office (LTO) upang kontrahin ang inilatag na bagong Reformed Compulsary Third Party Liability (CTPL) para sa non-life insurance na daan para sa pagmonopolya ng insurance firms sa bansa.

Ayon kay Salvador “Buddy”Natividad, National President ng Bukluran ng mga Manggagawa sa Industriya ng Seguro na ang Reformed CTPL ay magbubunsod lamang ng monopolya sa industriya ng car insurance.

“Dito kase sa Reformed CTPL, ganun din ang sistema ang nabago lang ay magkakaroon na ng single administrator o iisang kumpanya na hahawak ng lahat ng insurance company sa buong bansa, ayaw namin sa monopoly,” pahayag ni Natividad.

Payag naman anya sila na maayos ang sistema ng pagseseguro sa bansa, pero dapat ituloy ang pagpapairal sa sinasabi ng batas na payagan ang mga kumpanya na magbigay ng seguro sa mga sasakyan sa buong bansa at  hindi dapat ito pangangasiwaan ng nag-iisang kumpanya lamang.

Batay sa kasaluku­yaang pagbibigay ng insurance sa mga sasakyan ng mga insu­rance company sa ilalim ng CTPL. Kinuha ng LTO ang serbisyo ng Bayad Center upang ito ang sasala ng mga insurance company ng mga sasakyan nationwide.

Ang Bayad Center ang ginamit na collection arm ng LTO para makabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang mga insurance company.

Ang mga data base naman ng mga insurance company ay ang Insu­rance Commission at ang BIR batay sa kanilang kasunduan sa pagitan ng LTO.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BAYAD CENTER

AYON

BAYAD CENTER

INSURANCE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

NATIONAL PRESIDENT

NATIVIDAD

REFORMED COMPULSARY THIRD PARTY LIABILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with