^

Police Metro

‘Sa mahuhuling lumabag sa batas-trapiko ng HPG... no contact’ policy sa EDSA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipapatupad ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang “no contact apprehension policy” sa mga mahuhuling pampasaherong bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao na ang “no contact apprehension policy” ay upang  hindi na makasagabal pa at makadagdag sa problema sa trapiko kapag may mga nahuhuling mga lumalabag na motorista partikular na ang mga pampasaherong bus.

Kukunan lamang ng larawan ng PNP-HPG traffic enforcers  ang numero ng plaka ng mga pampasaherong bus na lumabag sa trapiko sa EDSA at ang ticket violation ay ipadadala na lamang sa mga kumpanya ng bus sa pakikipagkoordinasyon sa Land Transportation Office at Land Transportarion, Franchising ang Regulatory Board (LTFRB).

Kukunin rin ang pangalan ng mga driver, lisensya ng mga ito at ililista ang plaka ng bus at maging body number.

Sa pamamagitan ng nasabing polisiya ay maiiwasan ng PNP-HPG traffic enforcers ang tumanggap ng suhol at mangotong sa mga bus drivers gayundin sa mga konduktor.

Umpisa ng pangasiwaan ng PNP-HPG traffic enforcers ang pagmamando sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA nitong Setyembre 7 hanggang Biyernes ay nasa 300 behikulo na ang nahuling lumabag sa batas trapiko.

Bukod dito ay um­pisahan bukas ay sisimulan ang pagsasara ang mga u-turn slots partikular sa may bahagi ng Trinoma sa North Ave­nue, isa sa anim na chokepoints na mga pangunahing sanhi ng pagsisikip ng daloy trapiko sa EDSA.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

HIGHWAY PATROL GROUP

LAND TRANSPORTARION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

NORTH AVE

REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with