Anak ni Ka Roger pinalaya
MANILA, Philippines - Pinalaya na ang anak ng yumaong tagapagsalita ng CPP-NPA na si Gregorio “Ka Roger” Rosal na si Andrea Rosal mula sa bilangguan nito sa Taguig City matapos ibasura ni Judge Rodolfo Obnamia Jr., ng Regional Trial Court Branch 64, ng Mauban, Quezon ang kasong murder na kinakaharap ni Rosal.
Matatandaan, na inaresto si Rosal noong nakaraang taon dahil sa kasong murder at kidnapping.
Subalit, noong nakarang taon ay ibinasura na rin ng Pasig City Court ang kasong kidnapping.
Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col.Noel Detoyato na bahagi ng demokrasyamng umiiral sa bansa ang pagpapalaya kay Andrea at tumatalima lamang ang mga kinauukulan sa batas.
Sinabi ni Detoyato na hindi nila kinukuwestiyon ang kautusan ng korte dahilan propesyunal na mga sundalo ang AFP.
Binigyang diin pa nito na hindi apektado ang moral ng mga sundalo na umaresto kay Rosal sa desisyon ng korte na palayain ito dahilan may prosesong legal na sinusunod ang batas.- Lordeth Bonilla, Joy Cantos
- Latest