Lider ng NPA, 2 pa todas sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang lider ang nasawi habang dalawa ang nasakote sa serye ng bakbakan sa Brgy, Bugas-Bugas, Placer, Surigao del Norte.
Sa report ng AFP-Eastern Mindano Command, ang limang na-neutralisang NPA rebels ay mula Hunyo 13 hanggang Hunyo 15 ng taong ito.
Kinilala ang nasawing lider ng NPA na si Roderick Bensing alyas Ka Rodel, top leader ng komunistang grupo sa CARAGA Region. Bukod kay Ka Rodel napaslang din ang dalawang iba pa kabilang ang amasonang si Liezl Mondejar, na binawian ng buhay sa pagamutan.
Sumurender naman sa tropa ng mga sundalo matapos na makorner si Ricky Per, alyas Rem, isa pang lider ng NPA sa rehiyon at Allan Cacatian, alyas Allen sa nasabi ring operasyon matapos makorner ng mga sundalo.
Nabatid na nagsagawa ng joint operation ang 30th Infantry Battalion sa ilalim ng Army’s 901st Infantry Brigade at Intelligence units ng 4th ID katuwang ang iba pang security forces.
Kasalukuyan namang isinasailalim sa masusing interogasyon ng tropa ng mga sundalo ang dalawang rebelde na nasa kanilang kustodya.
- Latest