^

Police Metro

Staff chief sa komite ng Kamara, pinatay sa kaarawan ng anak

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 63-anyos na ama nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kasagsagan nang pagdiriwang ng ika-7 taon kaarawan ng kanyang anak na babae sa clubhouse ng isang subdivision sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, Linggo ng hapon.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Mauricio “Morrie” Pulhin, chief of technical staff of the Committee on Ways and Means ng Kamara.

Sa report pulisya, bandang alas-2:00 ng hapon ay pumasok sa Gate 2 ng subdibisyon ang riding-in- tandem at dakong alas-2:55 ng hapon nang pumasok sa venue ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas na dumaan sa Gate 1 ng subdibisyon.

Lumilitaw rin na gumamit ang mga suspect ng pekeng ID sa pagpasok sa nasabing subdibisyon kung saan ginaganap ang birthday party ng anak ng biktima.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng backtracking ang mga imbestigador sa CCTV footage para matukoy ang plate number ng itim na motorsiklo na ginamit na getaway vehicle ng riding-in-tandem.

Mayroon na ang pulisya ng person of interest at ang alitan sa negosyo ang tinitingnan nilang motibo dahil ang biktima ay nasa negosyo ng medical supply.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with