De Lima ‘kapalit’ sa tigil-protesta ng Iglesia?
MANILA, Philippines - Upang itigil anya ang kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) ay bibigyan ng graceful exit ng Malacañang si Justice Sec. Leila De Lima anumang araw mula ngayon.
Ito ang inihayag ng mapagkakatiwalaang source dahil si De Lima ang isinisigaw ng mga INC na umano’y nakikialam sa panloob na usapin ng isang relihiyon kaugnay sa iniharap na kasong illegal detention ni dating minister Isaiah Samson.
Tugon ito ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda matapos ilahad sa publiko ni INC General Evangelist Bro. Bienvenido Santiago na base sa kasunduan ay pinagbigyan ng gubyerno ang kahilingan ng kapatiran.
Nagpapasalamat ang Palasyo sa kautusan ng INC leadership na pauwiin na ang mga miyembro nito sa EDSA-Crossing at Dept of Justice para maibalik sa normal ang sitwasyon.
Wika pa ni Lacierda, sinikap ng gobyerno na umiral ang lamig ng ulo at diplomasya sa hindi pagkaka-intindihan sa nasabing usapin.
- Latest