^

Police Metro

Barko nasunog sa pier ng Ormoc, 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong tripulante ang sugatan matapos masunog sa pantalan ng Ormoc City, Leyte ang isang pampasaherong barkong may sakay ng mahigit 500 pasahero at crew,  kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-4:30 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag na nagliyab ang naturang barkong kadadaong lang galing sa Cebu City.

Sinasabing umalis ang M/V Wonderful Star sa Pier 4 ng Cebu bandang alas-10:00 o alas-11:00 Biyernes ng gabi at dumaong sa Ormoc City Port dakong alas-4:00 kaninang mada­ling-araw.

Nabatid na pag-aari ng Roble Shipping Lines, partikular ni dating Hilongos, Leyte Mayor Joy Roble, ang barkong may rutang Cebu-Ormoc at pabalik, at nakabase sa Cebu City.

Inihayag ni Roble na pagdating ng Wonderful Star sa Ormoc ay may nakitang usok mula sa cargo handling area bagama’t sinasabing sa cabin ng mga tripulante nagsimula ang apoy.

Idinagdag naman ng Ormoc CDRRMC na ginagamot na sa ospital ang tatlong nasugatan habang ligtas naman lahat ng 544 pasahero ng barko dahil nangyari ang sunog pag­kababa ng mga ito.

Hanggang pasado alas-12:00 ng tanghali nahihirapan pa rin ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa kapal ng usok na lumalabas sa cargo handling area.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog sa barkong may kapasidad na magsakay ng 700 hanggang 800 pasahero.

ACIRC

ANG

CEBU CITY

LEYTE MAYOR JOY ROBLE

ORMOC

ORMOC CITY

ORMOC CITY PORT

PHILIPPINE COAST GUARD

ROBLE SHIPPING LINES

V WONDERFUL STAR

WONDERFUL STAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with