^

Police Metro

2 pa sugatan... abogada todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babaeng abogado ang nasawi habang dalawa nitong kasamahan sa law firm  ang nasugatan  nang sila ay pagbabarilin habang nasa  loob ng kotse ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Mandaue City, Cebu.

Namatay noon din ang biktimang si Atty. Amelie “Am-Am” Ocañada-Alegre, 35, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang kasama nito na sina Atty. Briccio Boholst, 55 at office staff na si Antonio Pino.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi ay sakay ang  mga biktima ng kulay abong BMW na minamaneho ni Alegre at binabagtas ang kahabaan  ng Catalino St., Brgy. Looc nang sila ay pagbabarilin.

Hindi pa kilala ang mga suspek na ayon sa mga nakasaksi ay nakasuot ang mga ito ng helmet at kulay itim na jacket.

Bago ang krimen ay nakatanggap ng death threat ang biktima  mula sa kaniyang mister na nag­hain ng annulment case.

vuukle comment

ACIRC

ALEGRE

AM-AM

AMELIE

ANG

ANTONIO PINO

ATILDE

BATAY

BRICCIO BOHOLST

CATALINO ST.

MANDAUE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with