^

Police Metro

Bihag na tserman pinugutan ng Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng hindi na­kabayad ng ransom ang barangay chairman kung kaya’t pinugutan ito ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Kinumpirma ni Col. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu ang pagpugot sa ulo ng biktimang kinilalang si Rodolfo Buligao, Chairman sa Brgy. Aliguay, Dapitan City.

Nabatid na dakong alas- 9:45 ng gabi nitong Martes nang matagpuan ang bangkay ni Buligao sa Brgy. Lunggang, Maimbung, Sulu na walang ulo. Natagpuan ng nagrespondeng mga ele­mento ng militar at pulisya sa ibabaw ng walang ulo na  bangkay ng biktima ang isang papel na may nakasulat na “Rodolfo Buligao, Brgy. Chairman ng Brgy. Aliguay Island, Dapitan City,  Zamboanga del Norte.

Nagsagawa ng search operation ang security forces at sumunod na natagpuan ang ulo ng biktima dakong alas-10:00 ng gabi na itinapon sa di kalayuan sa kinatagpuan ng katawan nito.

Lumilitaw sa imbestigasyon  na hindi nakabayad ng P10 milyon ransom ang pamilya ng biktima kaya pinugutan ito ng ulo ng mga bandido.

Si Buligao ay dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kasama ang dalawang miyembro ng PCG na sina SN2 Gringo Villaluz at SN1 Rod Pagaling noong Mayo 4 sa Dapitan City, Zamboanga del Norte kung saan ang mga bihag ay dinala at itinago sa lalawigan ng Sulu.

Sa kasalukuyan, patuloy ang search and rescue operations sa dalawa pang PCG men at iba pang mga bihag ng mga bandido sa Sulu.

Magugunita na nauna nang humingi ng tig P10-M ransom ang mga bandido kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag habang noong Hunyo ay nagposte rin ang mga ito sa facebook account ng isang Kupal Lord na ipinakikita ang video footage ng tatlong hostage habang nagmamakaawa sa paghingi ng tulong.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALIGUAY ISLAND

ALLAN ARROJADO

ANG

BRGY

DAPITAN CITY

GRINGO VILLALUZ

JOINT TASK GROUP

MGA

RODOLFO BULIGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with