^

Police Metro

Bus sumalpok sa arko: 4 todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat ang patay at nasa 18 ang nasugatan matapos bumangga ang isang Valisno bus (TXV-715) sa arko ng boundary ng Caloocan at Quezon City sa Quirino Highway kahapon ng umaga.

Namatay noon din ang isang babae at isang lalaki na kinilalang si Eduardo Remonin Agabon, 39, ng Tala, Caloocan City na nabagsakan ng debris ng arko.

Nasawi naman habang ginagamot sa Tala Hospital si Arsenio dela Cruz, 54, ng Navotas at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Lumalabas sa im­bestigasyon na bago nangyari ang sakuna dakong alas-7:20 ng umaga sa kahabaan ng Quirino Hi-way partikular sa arko ng boundary ng Quezon City at Caloocan City, Barangay Lagro ay buma­bagtas ang  Valisno bus galing ng Regalado A­venue, patungong Bulacan  nang biglang nawalan ng kontrol ang driver na si George Pacis.

Hindi na nagawang makapag-preno ni Pacis, hanggang sa salpukin ng kanang bahagi nito ang arko na nakatayo sa lugar at sa lakas ng pagkabangga ay nasira ang kalahating katawan at nagtalsikan palabas ang mga pasahero.

Sabi ng ilang nakaligtas na pasahero, masyado umanong mabilis ang takbo ng kanilang bus na tila nagkakarera kaya’t sa Fairview pa lamang ay sinisita na ang drayber dahil sa matulin ang pagpapatakbo at pagewang-gewang na ang takbo nito.

Pagsapit sa pakubrang bahagi ng kalsada, nawalan umano ng kontrol ang driver at sumalpok ang bus sa arko.

Hinahanap ng mga pulis ang driver ng bus na kinilalang si George Pacis na naaresto sa isang follow up operation.

ACIRC

ANG

BARANGAY LAGRO

CALOOCAN CITY

EDUARDO REMONIN AGABON

GEORGE PACIS

QUEZON CITY

QUIRINO HI

QUIRINO HIGHWAY

REGALADO A

TALA HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with