^

Police Metro

Naarestong ‘land grabber’, hindi dapat palayain – Tulfo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat umanong manatili sa kulungan sa Camp Crame ang naarestong umanong land grabber sa kabila ng mga alegasyong suhulan, illegal possession of firearms and explosives, at large-scale o syndicated estafa.

Ito ang ibinunyag ni incoming Senator Erwin Tulfo nang may mga nakarating sa kanya na sinusubukan umanong suhulan ng naarestong suspek na si alyas “JJ” ang mga otoridad para mapalaya at mabasura na ang mga kaso nito.

Magugunita na si alyas “JJ” ay nahuli sa simpleng traffic violation ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Parañaque City noong Hunyo 13, 2025 at dito ay natagpuan ng pulisya ang isang C4 bomb at mga ‘di lisensyadong baril sa kanyang sasakyan.

Ngunit napapabalitang tila nabasura ang kanyang mga traffic violations, sa kabila ng bigat ng mga armas na nakuha mula sa kanyang sasakyan.

Humingi ng tulong si Tulfo kay PNP Chief General Nicolas Torre III at siniguradong di makakalaya ang suspek nang isinampa sa Quezon City Prosecutor ang mga kasong illegal possession of explosives, firearms (non-bailable) at obstruction of justice.

Nangako rin si Torre na tutulong para wasakin ang iligal na harang, bakod, at gate na umano’y itinayo ng kampo ni alyas JJ sa kagubatan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

ESTAFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with