^

Police Metro

VP Binay kay De Lima: Itigil ang pagdakdak sa Iglesia Ni Cristo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Vice President Jejomar C. Binay si Justice Secretary Leila De Lima na itigil na nito ang pagbibigay ng mga walang basehang pahayag sa kaso nang pagkidnap umano ng mga ministro ng Iglesia Ni Cristo.

Sa sulat na ipinadala ni Binay kay De Lima na nakatawag sa kanya ng pansin ang mga pahayag nito sa media na ang kaso sa umano’y pagdukot sa mga ministro ng Iglesia Ni Cristo ay hindi pa sarado na kabaligtaran sa inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) authorities kaya’t lumalabas na salungat.

Nakalagay pa sa sulat ni Binay na ang NBI na nasa ilalim ni De Lima ay nagsabi na walang nangyaring pagdukot at katotohanan ay walang lumabas na magrereklamo na sa madaling salita ay walang krimeng nangyari.

Idineklara na rin ni  Atty. Manuel Eduarte, chief ng  NBI Anti-Organized Transnational Crime Division, na sarado na ang kaso matapos na makipag-ugnayan ito sa INC’s Legal Office at bisitahin ang bahay ni Felix Nathaniel “Angel” Manalo na kapatid ng exective minister na si Eduardo Manalo.

Itinawalag na si Angel kasama ang kanyang ina na si Cristina “Tenny” Villanueva Manalo, matapos mag-upload sa YouTube video na ang mga ministro ay dinukot at nanganganib ang buhay.

Kaya’t ang mga pahayag umano ni De Lima ay nakakasira sa imahe ng INC at bilang public officials ay tungkulin na igalang at huwag pakialaman ang anumang nangyayaring gulo sa loob ng isang religious group tulad ng INC.

Sinabi pa ni Binay na lumalabas ang tunay na ugali ni De Lima sa isyu ng INC na kaparehas nang paggiba nito sa  kanyang pagkatao.- Ellen Fernando-

ACIRC

ANG

ANTI-ORGANIZED TRANSNATIONAL CRIME DIVISION

BINAY

DE LIMA

EDUARDO MANALO

ELLEN FERNANDO

FELIX NATHANIEL

IGLESIA NI CRISTO

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

LEGAL OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with