Roxas, isinusulong ang payapang Semana Santa
MANILA, Philippines - Naglabas ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa lahat ng local chief executives (LCEs) na siguruhin ang kaayusan sa lahat ng kanilang nasasakupan ngayong Semana Santa.
Sa isang memorandum circular, inatasan ni Roxas ang mga LCE na tipunin ang kanilang local peace and order councils upang pagplanuhan ang transportasyon at emergency medical services para sa posibleng pagdagsa ng tao sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni Roxas na dapat makipagtulungan ang mga lokal na yunit ng pamahalaan sa iba pang otoridad, kasabay ng pagkilos ng mga pulis, traffic enforcers, barangay tanod, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) at public safety officers.
Ayon sa kalihim, dapat ring tutukan ang paglilinis at ang wastong pagtatapon ng basura sa lahat ng pagkakataon.
Hinamon naman ni Roxas ang mga empleyado ng DILG na isabuhay ang “programmatic, deliberate and sustainable” approach sa kanilang trabaho at personal na buhay habang nagninilay-nilay ngayong Semana Santa.
Ayon kay Roxas, ito ang pamamaran kung saan kikilos ang isang Pilipino nang hindi bara-bara, hindi kanya-kanya, at hindi pansamantala o ningas-cogon.
- Latest