^

Police Metro

Mga suspek pinapasok... mag-live in pinatay sa bahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sukat akalain ng isang mag-live-in partner na ang pagpapatuloy nila sa kanilang bahay sa limang lalaki ang siyang papatay sa kanila naganap kahapon sa Malabon City.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Ignacio Recto, alyas “Boy Recto”, 56-anyos, at live in partner nitong si Norma Clemente Villanueva, 56, kapwa naninirahan sa no. 22 Ilang-Ilang St., Brgy. Maysilo.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw ay kumatok sa pintuan ng kanilang bahay ang limang suspek at dahil kilala ng maglive-in ay pinatuloy nila ito sa bahay.

Ilang minuto ang nakakalipas ay nakarinig ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay na nagmumula sa bahay ng mag-live in.

Nang masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek na sakay ng kotse.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang motibo ng pagpatay matapos na makarekober ang pulisya sa bahay ng mga biktima ng mga shabu paraphernalias at baril.

vuukle comment

BATAY

BOY RECTO

BRGY

IGNACIO RECTO

ILANG

ILANG-ILANG ST.

MALABON CITY

MALAKI

NORMA CLEMENTE VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with