Mag-live in inaresto sa baril at droga
MANILA, Philippines - Ang kayabangan ang nagpahamak sa isang mag-live in nang sila ay sitahin ng pulis matapos makita ang baril ng lalaki sa beywang nang naglalakad na kaakbay ang babae sa isang tulay sa Mandaluyong City kahapon ng hapon.
Ang mag-live in na nakakulong na sa detention cell ng Eastern Police District (EPD) ay kinilalang sina Alfred Terceno, 20, binata, tricycle driver at Gladys Estuaria, 20, kapwa residente ng Block 4, Lot 2, Susana Homes, South City, Bin?an, Laguna.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon sa footbridge sa tapat ng gusali ng POEA sa Ortigas Avenue ay namataan ang dalawa na magkaakbay na naglalakad sa tulay at nakatawag ng pansin sa pulisya ang puluhan ng baril ni Terceno na lumitaw mula sa kanyang beywang dahil tumaas ang suot nitong jacket
habang nakaakbay.
Kaagad sinita ng mga pulis ang dalawa at nang kapkapan ang lalaki ay narekober ang isang caliber .40 Taurus pistola na mayroon
magazine na may lamang 15 bala.
Nang buksan ang dalang sling bag ng lalaki ay nadiskubre pa ang tatlong re-sealable na malalaking transparent plastic sachet na pawang naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng droga at apat pang magazine ng baril na puno ng mga bala.
Nakuhanan rin ng apat na maliliit na heat-sealed
transparent plastic sachet ng shabu ang babae nang buksan ang bag nito para hanapan ng identification card.
Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa R.A 9165
(Comprehensive Drug Act) at RA10591 (Illegal possession of firearms).
- Latest