^

Police Metro

Pinas, top 3 sa buong mundo sa pagtatapon ng plastic na basura

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naitala ang Pilipinas na ikatlo sa mga coastal countries sa buong mundo na malakas magtapon ng mga plastic na basura laluna sa karagatan.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Ecowaste Coalition na kung saan ang China ang nangu­nguna na sinesegundahan naman ng Indonesia.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition na  dapat palakasin ng pamahalaan ang zero waste and anti-plastic bag campaign dahil habang patuloy ang pagdami ng populasyon sa bansa ay patuloy din ang pagtaas ng dami ng basurang plastic na napupunta sa mga dalampasigan.

Anya, may labing limang taon nang naipa­tutupad ang Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) pero wala pa ring nangyayaring pagtalima sa mga bagay na nakakaapekto ng kalikasan.

Batay sa ginawang pag­lilinis ng grupo sa Manila Bay  noong  2014  kasama ang Global Alliance for Incinerator Alternatives, Greenpeace, at Mother Earth Foundation ay nakakuha sila ng 61.9 percent ng mga basura at dito ay may 23.2 percent ay mga plastic.

Aabot sa 17.5 mil­yong tonelada ng plastic debris ang naitatala kada taon at posibleng abutin sa 155 milyong tonelada mula ngayong taon hanggang sa taong 2025 kung walang gagawin ang pamahalaan sa mga plastic na basura.-Angie dela Cruz-

AILEEN LUCERO

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

ECOWASTE COALITION

GLOBAL ALLIANCE

INCINERATOR ALTERNATIVES

MANILA BAY

MOTHER EARTH FOUNDATION

NATIONAL COORDINATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with