^

Police Metro

7 NPA rebels napatay sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang pitong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang limang lider makaraang makasagupa ang tropa ng militar kamakalawa ng hapon sa Brgy. Datu Anggas, Alabel,Sarangani.

Ito ang ulat na nakarating kay Captain Rey Bali­bagaso, Public Affairs Officer ng Army’s 1002nd Infantry Brigade na kamakalawa ay lima ang nasawi at kahapon ng umaga sa isinagawang clearing operations ay dalawa pang bangkay ang natagpuan sa encounter site.

Sa pitong natagpuang bangkay ng mga rebelde, anim rito ang lalaki at isa ay amasona.

Posibleng umakyat sa 9 ang napaslang dahil may dalawa pang napaslang na rebelde ang tinabunan ng damo ng kanilang mga nagsitakas na kasamahan at hinahanap na ng mga sundalo.

Ang limang nasawing lider ay mga alyas na Ka Brigol, Deputy Secretary and Political Officer; Ka JM, team leader at Logistics Officer; Ka Jonas/Batot, team leader; Ka Lieutenant,  Vice team leader at isang Ka Mark, medic  ng naturang grupo ng mga rebelde.

Lumalabas sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang makasagupa ng Army’s 73rd Infantry Battalion (IB)  sa pamumuno ni 2nd Lt. Jerson Sanchez ang nasa 40 armadong mga rebelde   sa Sitio Tugal, Brgy. Datal Anggas, Alabel, Sarangani. 

Ang mga rebelde ay nangingikil umano ng revolutionary tax sa mga residente sa lugar.

Nasamsam din ang siyam na  matataas na kalibre ng armas kabilang ang dalawang AK 47, isang M653, anim na M16 rifle, apat na Improvised landmine at dalawang rifle grenade.

Nakuha rin sa encounter site ang mga medical equipment, mga medisina  limang radio, 30 backpacks  at mga subersibong dokumento.

Wala namang nasugatan sa panig ng tropang gobyerno.

ALABEL

BRGY

CAPTAIN REY BALI

DATAL ANGGAS

DATU ANGGAS

DEPUTY SECRETARY AND POLITICAL OFFICER

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with